Sabado, Hunyo 25, 2011

Chapter 1

Ang buhay ay napakahirap kaya ngayon ako'y nagpapakahirap. Challenge ata tong buhay na ito. Oo sabi nga ng iba challenge ito. Mag-computer , maglinis ng bahay at mag-aral. Sa tatlong binanggit ko ay isa lang talaga ang totoo. Pano ba naman nakakatamad ang buhay kasi nga mahirap.

Nasan ba ako ngayon ? Nasa harap ng computer nagtytype , nagbabackread sa tumblr at facebook. Hindi ko nga alam kung bakit paulit ulit lang ang ginagawa ko sa pang araw araw kong kabuhayan eh. Kaya para tuloy akong unlimited load na paulit ulit na unli ang gawain. Hay nako naman muka ba akong cellphone ? Hindi naman diba ? Anyways wala akong assignment at yun sinumulan ko itong pagbloblog dito sa blogger dot com. Wala lang uso kasi ito sa dashboard ng tumblr eh. Ewan ko kung bakit. Dito kahit walang nagbabasa tahimik. Ang sarap magsalita salita dito dahil walang manghuhusga. Ewan ko ba kung bakit ko natripan gumawa ng blogspot. Siguro gusto ko muna tumahimik. Gusto ko muna ng maaliwalas na lugar na pwede magblog. Ayun pero nakakainis lang dahil dalawa na ang handle ko tapos ang bigat ng dalawa. LOLWHUT. Uhm nevermind.  Basta ayun baguhan lang ako dito at subaybayan niyo pa ang kapanapanabik ng kwentonikeb. (kunwari may followers) Wala ba kayong mga kamay jan ? *insert a clapping hands*. Para lang akong baliw eh.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento