Linggo, Hunyo 26, 2011

Sponsor.

Kakauwi lang namin galing sa simba. Nung pagkapasok namin ng simbahan na paso ako. Lol. Ewan ko kung bakit feeling ko nasusunog ako. Ayun pagkaupo namin sa simbahan lumapit sakin yung dati kong titser sabi niya "Huy sponsor yung school natin" at ako'y nagtaka dahil lumipat na ako ng school at akala niya dun parin ako. Bulag ba siya o ano. Sabagay matanda na.

Ayun nung nagsimula na yung mass natutuwa ako dahil nandun yung mga classmate ko dati. Ewan ko ba kung bakit ang babaw ng kaligayagahan ko. Parang nung bata ako na kapag may lobo ako abot tenga yung ngiti ko tapos kapag pumutok akala mo namatayan.

Habang nagsisimula ang misa ay nakakita ako ng batang nakatingin sakin at tinignan ko rin siya ng masama tapos mukang natakot siya sakin at iniisip ko na baka magsumbong siya sa nanay niya at yan tuloy natakot rin ako syempre baka sugudin ako ng nanay niya sa upuan ko. Tapos ayun hanggat tinititigan ko na lang siya ng masama sa buong mass at di na ako nakinig sa pari pano ba naman kasi kinakain ng pari lahat ng sasabihin niya kaya nakakatamad makinig. Ayun tapos natatakot siya buong mass tapos ayun umuwi na kami.

Anong paborito mong part ng trip ? ......... Gusto ko rin yun. Ang paborito kong part ay yung tinakot ko magdamag yung bata at takot na takot naman siya. Yeahey.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento