Sabado, Hunyo 25, 2011


Yakult. Ewan ko ba kung bakit ang hilig hilig kong uminom ng yakult. Ang sarap sarap kasi as in. Minsan nga pati yung lalagyanan ng yakult ay nginangatngat ko na sa sarap. Minsan nakakain ako nung nasira ko part ng lalagyanan tapos isusuka ko. Ganyan akong kapatay gutom. Tanong mo na lang sa nanay ko kung bakit ako pinanganak na patay gutom. Mana mana lang yan. Hoy wag kayong magsumbong ha secret lang natin yun baka kasi tampalin ako ng tsinelas nun eh in short baka tsinelasin ako nung nanay ko. 

Ayun basta peyborit ko yung yakult. Tapos tuwing may yakult sa bahay ako lagi ang pinapainom nito tapos tinatanong ko kung bakit tapos isasagot nila "Para healthy ang tiyan" tapos sasabihin ko "Bakit wala ba kayong tiyan ?" tapos speechless na sila nun pero di parin sila iinom ng yakult. 

Wala ata silang tiyan eh. Sana magaya din sila dun sa patalastas na nanaginip na butas ang tiyan pero sa mga hindi umuiinom ng yakult ay magkatotoo na mabutas ang tiyan. Joke lang syempre.

1 komento: